Inaresto ng pulisya ang isang lalaki makaraang shabu ang nais nitong ibayad sa guest relations officer (GRO) at mga ininom na alak at kinain sa isang club sa Pasacao, Camarines Sur, iniulat kahapon.

Nakakulong ngayon si Rolando Callada, 53, matapos ipadampot ng may-ari ng Padamlagan videoke bar sa Barangay Sta. Rosa del Sur sa Pasacao.

Ayon sa imbestigasyon, pumasok si Callada sa nasabing videoke bar at umorder ng maiinom at pulutan at matapos kumain ay sinabi sa may-ari ng establisimyento na isang sachet ng shabu ang ibabayad niya sa kanyang inorder at kapalit ng isang GRO.

Nakuha kay Callada ang isang medium-sized sachet na may lamang shabu. (Fer Taboy)
Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder