Para maipagpatuloy ang mataas na koleksiyon sa buwis at panagutin ang mga kumpanya na nagkulang sa pagbabayad ng karampatang buwis sa pamahalaan, pinadalhan ng Bureau of Customs (BOC) ng ‘demand letter’ ang Auto Nation Group, Inc. (dating CATS Motors).

Ang Auto Nation ang esklusibong distributor sa bansa ng mga mamahaling sasakyan tulad ng Mercedes Benz, Chrysler, Dodge, Jeep, at Ram.

Sa liham na nilagdaan ni Acting Collector of the Manila International Container Port Antonio Meliton, hiniling ng BOC kay Auto Nation President Felix Ang na bayaran ang kabuuang P233.821 milyon buwis na hindi nabayaran ng kumpanya mula 2015.

Sa datos ng BOC, nag-import ang Auto Nation ng 138 unit ng Mercedez Benz sa 15 shipment nitong nakaraang taon, ngunit nagbayad lamang ng P196.529 milyon para sa duties at taxes.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Sa record ng BOC ang mga naturang sasakyan ay may katumbas na bayaring P432 milyon buwis sa pamahalaan.