Pinalawak ang sakop ng Freedom of Information (FOI) Bill na inaasahan namang maipapasa sa Senado sa oras na maisumite na ang committee report ni Senador Grace Poe.

Ayon kay Poe, chairman ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, higit na mapapalakas ng FOI ang mandato sa karapatan ng mamamayan sa impormasyon, alinsunod sa Saligang Batas.

Nilinaw rin niya na hindi mababangga ng panukalang batas ang Executive Order (EO) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinasakop ng FOI ang lehislatura, ehekutibo at hudikatura, taliwas sa EO na ang ehekutibo lang ang saklaw nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

(Leonel M. Abasola)