STO. NINO, CAGAYAN - Tatlong katao ang iniulat kahapon na nasawi matapos na malunod sa magkahiwalay na insidente sa mga bayan ng Sto. Nino at Enrile.

Sa Sto. Nino, nalunod sa palaisdaan sina John Michael Bona, 8; at Gian Kyle Batugal, 7, kapwa ng Barangay Sidiran, bagamat nakaligtas ang tatlong iba pang bata na kasama nila nitong Martes ng umaga, ayon kay PO3 Ricky Bulusan.

Nakipag-inuman naman si Gavino Cuntapay, 48, tanod sa Bgy. Lanna, Enrile, bago kinuha ang pinastol niyang baka ngunit minalas na nalunod sa creek sa Dammang sa nabanggit na barangay.

Nakaligtas naman ang baka ni Cuntapay, ayon kay PO3 Abner Accad. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder