CABANATUAN CITY - Labing-apat na tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang pulis-Cabanatuan nitong Lunes ng gabi sa Circumferential Road sa Purok 8, Barangay San Juan Accfa, makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang motorcycle rider.

Sa ulat ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, kay Nueva Ecija Police Provincial Office Director Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, nakilala ang biktimang si PO1 Jayson Ramos y Damian, may asawa, ng Bgy. Bakod Bayan.

Sa imbestigasyon ni PO2 Dionisio De Jesus, dakong 11:30 ng gabi at minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo sa lugar nang biglang sumulpot ang dalawang magkaangkas sa motorsiklo at malapitang pinagbabaril ang pulis.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder