Mga Laro Ngayon

(San Juan Arena)

12 n.h. -- UE vs Ateneo

4 n.h. -- La Salle vs NU

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nahirapan man sa huling dalawang laro, nanaig ang La Salle para mapanatiling malinis ang marka sa second round ng elimination ng UAAP Season 79 seniors basketball tournament.

Kung hindi malilingat, makakaiwas ang Archers sa pagkasilat sa pakikipagharap sa National University Bulldogs sa tampok na laro ng double-header ngayon sa San Juan Arena.

Target ng Archers ang ika-10 sunod na panalo sa laro ganap na 4:00 ng hapon.

Tulad ng dapat asahan, liyamado ang La Salle bunsod nang dominasyon sa NU sa kanilang unang pagtatagpo, 75-66.

Magtutuos naman sa unang laro sa 12:00 ng tanghali ang University of the East at Ateneo de Manila.

Sisikapin ng Blue Eagles na maulit ang 84-69 panalo kontra Red Warriors noong first round.

Ngunit, inaasahang hindi na ito magiging kadali para sa Blue Eagles higit at inspirado ang Red Warriors sa back-to-back win kabilang ang dominanteng 84-71 panalo sa season host University of Santo Tomas.

Naging madali para kay coach Aldin Ayo ang paggabay sa Archers, higit at nasa mataas na level agg laro nina Jeron Teng at Cameroonian big man Ben Mbala.

Hawak ang 4-5 karta, malaki ang tsansa ng Bulldogs na makahirit ng slot sa Final Four, ngunit kailangan nilang mapataas ang morale at ang pagwawagi sa Archers ang magsisilbing mitsa para mag-alab ang damdaming palaban ng Recto-based cager. (Marivic Awitan)