BERLIN (AFP) – Nagbabala ang security commissioner ng European Union (EU) noong Martes na dapat maghanda ang Europe sa panibagong pagdagsa ng Islamic State jihadists kapag nabawi ng Iraqi forces ang balwarte ng grupo sa Mosul.

‘’The retaking of the IS’ northern Iraq stronghold, Mosul, may lead to the return to Europe of violent IS-fighters,’’ sabi ni Julian King sa pahayagang Die Welt ng Germany.

Idinagdag niya na kahit ang iilang nagbabalik na jihadists ay magiging ‘’serious threat that we must prepare ourselves for’’.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'