COTABATO CITY – Sinaklolohan ng isang mamamahayag ang isang babaeng Moro kaya naiwasang magsilang ang huli sa gilid ng highway sa Esperanza, Sultan Kudarat, nitong Linggo.

Minamaneho ni John Felix Unson, isang Muslim convert at field reporter ng Katolikong Notre Dame Broadcasting Corporation, ang kanyang pick-up truck sa nabanggit na highway nang mamataan niya ang buntis na si Bainot Maniging sa gilid ng kalsada, mag-isang namimilipit habang sapo ang tiyan at nasa hitsurang magsisilang na ng kanyang sanggol.

“I saw her (Maniging) lying on the sandy road shouldering, crying in paying while giving birth unexpectedly.

Residents and bystanders responded in panic as they saw me pulled over and asked them to help me mount her on the open rear space of my pickup,” kuwento ni Unson.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ilang segundo lang matapos isakay sa likod ng pick-up ay isinilang na ni Maniging ang isang sanggol na lalaki sa tulong ng tatlong residenteng sumaklolo sa kanya, ayon kay Unson. Agad naman niyang inihatid sa ospital ang mag-ina.

“Alhamdulillah (praise the Lord), I became once again an ‘instrument’ in helping the poor and needy… If it was a test of my rescue proficiency, I know i passed the test with high mark, in flying colors,” saad sa Facebook post ni Unson.

Agad namang nagpadala ng ayuda si Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu sa mag-ina matapos niyang mapag-alaman na si Maniging ay taga-Sitio Maniag sa Ampatuan, Maguindanao. (Ali G. Macabalang)