CEBU CITY – Patuloy na nadadagdagan ang mga kaso ng dengue sa Central Visayas kahit pa pinaigting na ng Department of Health (DoH)-Region 7 ang kampanya nito sa rehiyon laban sa nakamamatay na sakit.

Simula Enero hanggang Oktubre ngayong taon, nakapag-ulat ang Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) ng DoH-7 ng kabuuang 17,974 na kaso ng dengue sa rehiyon, na 144 ang nasawi.

Kabilang sa mga huling namatay sa sakit ang apat na taong gulang na si Ellin Princess Racho, na namatay sa mga kumplikasyon ng dengue, kasunod ng kumpirmadong outbreak sa Cebu.

Sinabi ng ina ni Ellin na si Estrelita Racho na dinapuan din ng dengue ang tatlong kapatid ng bata, at dalawa sa mga ito ay nananatili sa ospital. (Mars W. Mosqueda, Jr.)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder