TUY, Batangas – Tatlong miyembro ng isang pamilya ang nasugatan makaraang paulanan ng bala ng apat na hindi nakilalang suspek ang sinasakyan nilang van sa Barangay Luna sa bayang ito, nitong Linggo ng tanghali.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na ang magkapatid na Nolasco A. Cupo, 43, may asawa; at Rogelio A. Cupo, 46, kapwa CAFGU volunteer; at ang asawa ni Rogelio na si Ma. Theresa D. Cupo, 40, lahat ay taga-Bgy. Bolboc, Tuy.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 12:05 ng tanghali at sakay ang tatlo sa gray na Hyundai Starex van (XML-376) kasama ang lima pa nilang kaanak, kabilang ang driver na si Thomas A. Cupo, Jr., nang pagbabarilin ng mga suspek ang sasakyan.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang mga suspek at ang motibo sa ambush. (Danny J. Estacio)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder