Nakatapak ang Filipino-German na si Katharina Lehnert sa semifinal round ng International Tennis Federation (ITF)-Thailand Women’s Pro Circuit singles competition matapos biguin Biyernes ng gabi ang Serbian na si Natalija Kostic.

Ang second-seed na si Lehnert, na isinilang sa Brauschweig City sa estado ng Lower Saxony, ay itinala ang 6-2, 6-3 panalo kontra Kostic sa kanilang quarterfinal match sa Hua Hin’s True Arena hard court.

Sunod na makakaharap ni Lehnert, na rank No. 515 sa mundo, ang third seed na si Guo Hanyu ng China, na nagwagi kontra Japanese Aki Yamasoto, 6-2, 7-5.

Ang No. 6 na si Nudnida Luangnam ng Thailand ay tumuntong din sa semifinal matapos itala ang 6-3, 7-5 panalo kay Slovak Viktoria Morvayova.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Makakasagupa ni Luangnam sa semifinal si Li Yixuan ng China, na inungusan ang fifth seed na si Bunyawi Thamchaiwat ng Thailand, 1-6, 6-4, 6-2. (Angie Oredo)