BANGKOK (AFP) – Milyun-milyong nagluluksang Thais ang nagsuot ng itim noong Biyernes matapos pumanaw ang pinakamamahal nilang si King Bhumibol Adulyadej.

Si Bhumibol, ang world’s longest-reigning monarch, ay namatay sa edad na 88 noong Huwebes matapos ang matagal na pakikipaglaban sa sakit. Sa kanyang pagpaw ay nawalan ng stabilising father figure ang bansa na matindi pa rin ang mga tensyon sa politika dalawang taon matapos ang kudeta ng militar.

Si Crown Prince Maha Vajiralongkorn, 64, ang pinangalanang kanyang kapalit, ngunit hiniling nito na ipagpaliban muna ang pormal na pag-upo sa trono upang maipagluksa ang ama.

Kahapon, inilipat ang mga labi ng hari mula sa Siriraj Hospital, kung saan siya namatay, patungo sa Grand Palace sa sentro ng kabisera. Dumagsa ang mamamayan sa mga lansangan para sa prusisyon.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Pinamunuan ni Crown Prince ang seremonya ng pagpapaligo sa bangkay ng hari -- isang traditional Buddhist funeral rite. Kasunod nito, ang mga labi ni Bhumibol ay ibuburol ng ilang linggo para sa mga ritwal ng palasyo.

TRIBUTES

Bumaha ang tribute sa world’s longest-reigning monarch kahapon.

Inilarawan ni President Barack Obama si King Bhumibol na ‘’close friend’’ ng United States at ‘’tireless champion’’ ng kaunlaran ng kanyang bansa.

“I extend the New Zealand Government’s sincerest condolences to Queen Sirikit, Thailand’s Royal Family and all the people of Thailand,’’ mensahe ni New Zealand Prime Minister John Key.

Nag-alay ng sandali ng katahimikan ang U.N. General Assembly at Security Council para kay Bhumibol, na tinawag ni Secretary-General Ban Ki-moon na “unifying national leader’’ at iginagalang sa buong mundo.

Nagbigay-pugay sa hari at nakiramay din sa mamamayan ng Thailand sina Australian Prime Minister Malcolm Turnbull, Indonesian President Joko Widodo, dating US president Bill Clinton at asawang si Democratic presidential candidate Hillary Clinton, Russian President Vladimir Putin, German Chancellor Angela Merkel, Dutch King Willem-Alexander, French President Francois Hollande, British Prime Minister Theresa May, Japanese Prime Minister Shinzo Abe at Swedish Prime Minister Stefan Lofven.