BEIJING – Inilunsad ng National Basketball Association nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) ang NBA Academies – isang programa na naglalayon na palakasin ang programa para sa kaunlaran ng mga batang player sa buong mundo.

Bahagi ng programa ang pagbibigay ng edukasyon sa mga mapipiling kabataan.

Ilulunsad ang unang elite training center sa China bago matapos ang buwan ng Oktubre sa pakikipagtulungan ng Shandong Provincial Basketball Management Center sa Jinan, Xinjiang Uygur Autonomous Region Basketball Management Center sa Urumqi, at Zhejiang Provincial Sports Vocational Technical Institute sa Hangzhou.

Pormal na ipinahayag ang programa ni NBA Commissioner Adam Silver kasama sina Chinese Basketball Association (CBA) Vice President Li Jinsheng, Shandong Provincial Basketball Management Center Director Yang Gang, Xinjiang Uygur Autonomous Region Basketball Management Center Director Nie Chun, at Zhejiang Provincial Sports Vocational Technical Institute Principal Zhang Yadong.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Bago ito, nagsagawa ng exhibition game ang New Orleans Pelicans at Houston Rockets bilang bahagi ng NBA Global Games China 2016.