Aksiyong umaatikabo ang kaganapan sa pagtutuos ngayon gabi ng FEU-Nicanor Reyes Medical Foundation at Macway Travel Club sa pagpapatuloy ng aksyon sa 2016 MBL Open basketball tournament sa Trinity University gym sa Quezon City.

Ang FEU-NRMF, star-studded team na binuo para masungkit ang kampeonato sa una nitong pagtatangka, at Macway, isa sa paborito sa liga, ay magpapanagpo ganap na 8:30 ng gabi.

Ang Nino Reyes-managed FEU-NRMF team ay tatampukan nina Fil-Canadian sensation Clay Crellin, ex-PBA players Arnold Gamboa, Egay Billones, Eric Rodriguez, Al Vergara at Roider Cabrera at Edwin Asoro, Joseph Gabayni, Dexter Zamora, Milan Vargas at 6-6 Cameroonian Moustapha Arafat.

Winalis ng Fairview, Quezon City-based Tamaraws ang una nitong tatlong laro laban sa Wang’s Ballclub, New San Jose Builders at Jamfy Pioneers-Secret Spices.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!