KUNG wala lang girlfriend si Derek Ramsay, tiyak na panay na ang tukso namin sa kanya kay Lovi Poe dahil bagay na bagay sila sa lahat ng anggulo, mula sa kulay, parehong sexy ang katawan at napakalakas ng sex appeal.

Kaya perfect combination talaga sila sa The Escort. Sila ang bagay na bagay na love team, kung baga sa baguhan sa showbiz.

Inamin ni Derek na marami ang nagsasabing bagay talaga sila ng leading lady niya.

“Marami na nagsasabi, sobra. Actually, nu’ng isang araw, we were out sa The Red Charity Gala, and it was an auction for donations sa Red Cross, we decided to go together, and everybody there thought na kami na, na we were in a relationship. People are telling us, ‘dapat maging kayo na’, ‘bagay na bagay kayo’.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“When I found out that Lovi was going to be my partner, I was very, very excited. Bumalik ‘yung excitement ko na gumawa ng pelikula because I love the way she looks, I love ‘yung kulay ng skin niya. Yes, I’m going to have a leading lady na kakulay ko ng kaunti,” masayang kuwento ng aktor.

“But yeah, sobrang dami nagsasabi that we look good together, and we have good chemistry and again, that’s a great compliment to us. Kasi that’s what we’re trying to portray on screen.”

Puring-puri rin ni Derek si Lovi dahil hindi raw marunong mag-inarte habang ginagawa nila ang love scenes. Hindi nga lang binanggit ng aktor kung sino ba ang ibang nakaeksena niya na nag-inarte at todo effort siya para maging komportable sa kanya.

“But with Lovi, she just looks into your eyes and just listens. Talagang nakikinig lang siya talaga sa ‘yo. At first, nakadalawang protection (sa chest) pa siya, then hindi talaga maano ‘yung daya, nakikita.

“So, I talked to her, ‘okay ka lang? I guarantee you, you’ll be safe’. To the point na halos talagang wala na. And she was comfortable, everything was okay.

“Talagang I protected para hindi siya mabosohan. Mahirap kasi na umaarte ka, iniisip mo pa na baka lumabas ‘yun. So, I sat her down, sabi ko, ‘Look, I guarantee you, nothing will happen to you’,” kuwento ni.

Paano niya natakpan ang boobs ni Lovi?

“You just have to keep her chest pressed to yours especially kapag may transition na ng positioning, you’d grab her close to you and puwede mo nang iarte ‘yun, kunyari nanggigigil ka,” pagtatapat ng aktor.

Bilib na bilib si Derek kay Lovi na ang sexy daw pala maski saang anggulo mo tingnan.

“Not once that we had to say, ‘Ops, cut, palitan natin ang angle para mas payat ka tingnan’. ‘Yung lighting, hindi na pinalitan. Every angle, she looked good. So, you know, walang daya. I’m not saying the others, nandaya, pero talagang sa kanya, what you see on the magazines, ganu’n talaga,” pagmamalaki ng aktor sa leading lady niya.

Naku, tiyak na mag-i-enjoy ang kababaihan kay Derek at ang mga kalalakihan kay Lovi sa pelikula nilang ito.

(Reggee Bonoan)