Isang kapo-promote lang na pulis ang tinambangan at napatay habang napaslang din ang dalawa sa pitong suspek matapos manlaban ang mga ito sa pagkakaaresto ng mga awtoridad sa Bacnotan, La Union, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa imbestigasyon ng Bacnotan Municipal Police, namatay sa ambush sa Barangay Bitala si SPO2 Edward Almirol, ng La Union Police Provincial Office (LUPPO), habang masuwerte namang hindi nasugatan ang asawa niyang si Senior Insp. Joy Almirol, nakatalaga rin sa LUPPO.

Ayon sa report na tinanggap ng Camp Crame kahapon mula kay Chief Insp. Reynaldo Soria, hepe ng Bacnotan Police, pauwi ang mag-asawa at sakay sa kanilang kotse nang pagbabarilin ng mga suspek.

Sinabi ni Soria na agad nilang nahuli ang apat sa pitong suspek na si Benjie Julaton ng Bgy. Calautit, Bacnotan; kapatid nitong si Bernabe Julaton Jr., sina Sherwin Uyami at Benedict Julaton. Nakumpiskahan ng .38 caliber revolver ang chairman.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Gayunman, habang ibinibiyahe ng mga pulis ang magkapatid para dalhin sa presinto ay bigla umanong nang-agaw ng baril ng pulis ang mga ito kaya napilitan ang mga pulis na barilin sila.

Nakapiit na sa himpilan ng Bacnotan Police sina Uyami at Benedict Julaton.

Malaki ang hinala ng pulisya na may kinalaman sa trabaho ng biktima ang pananambang. (Fer Taboy at Erwin Beleo)