PARA sa kakabaihan na nasabihang ang morning sickness ay palatandaan ng malusog na pagbubuntis, magandang balita: ang pagkahilo at pagsusuka habang nagbubuntis ay iniuugnay sa mas mababang panganib na malaglag ang dinadalang sanggol, ayon sa bagong pag-aaral.

Sa pag-aaral na isinagawa sa kababaihan na nagkaroon ng isa o dalawang miscarriage, napag-alaman ng mga researcher sa National Institute of Child Health and Development (NICHD) na ang mga babaeng dumanas ng morning sickness sa kanilang kasalukuyang pagbubuntis ay mas mababa ng 50 hanggang 70 porsiyento ang panganib para magkaroon ng miscarriage.

Ang resultang ito ay maaaring magbigay ng “reassurance to women experiencing these difficult symptoms in pregnancy,” saad ng mga researcher na pinapangunahan ni Stefanie Hinkle, population health researcher sa NICHD. Umaabot sa 80 porsiyento ng kababaihan ang nakararanas ng pagkahilo at pagsusuka habang nagbubuntis, ayon sa pag-aaral na inilabas noong Setyembre 26 sa journal ng JAMA Internal Medicine

Iminungkahi ng nakaraang pag-aaral na maaaring maiugnay ang morning sickness sa mas mababang panganib o posibilidad sa pagkalaglag ng sanggol. Gayunpaman, sa mga naunang pag-aaral, hindi nakakolekta ng datos mula sa kababaihan bago sila sumailalim sa kanilang unang ultrasound, na nasa bandang anim o pitong linggong pagbubuntis.

Comelec, inoobliga na mga kandidato na iparehistro ang kanilang social media accounts

Sa bagong pag-aaral, sinuri ng mga researcher ang datos ng mahigit 1,200 kababaihan na naka-enrol sa mas malaking pag-aaral na tinatawag na, Effects of Aspirin in Gestation and Reproduction trial, na tumitingin sa epekto ng pag-inom ng aspirin sa pregnancy loss at live birth.

Sa kasagsagan ng first trimester, mayroong daily diary ang kababaihan, at itinatala o nilalagyan nila ng rate ang mga sintomas ng morning sickness. Sa pangalawa at third trimester, sinagutan nila ang monthly questionnaire tungkol sa kanilang morning sickness symptoms, ayon sa pag-aaral.

Sa pag-aaral, 188 kababaihan na buntis ang nakunan.

May iba’t ibang teorya kung bakit maiuugnay ang morning sickness sa mas mababang panganib para malaglag ang sanggol sa sinapupunan, saad ng mga researcher sa kanilang report.

Ang isang ideya ay tila hinihimok ng pagkahilo at pagsusuka ang kababaihan para baguhin ang kanilang eating habits, na maaaring may epekto sa kanilang pagbubuntis, ayon sa pag-aaral.

Sa isa pang teorya, nagsisilbing senyales ang pagkahilo at pagsusuka na may maayos na placenta ang babae, ayon sa mga researcher. Kapag buo ang placenta, kinukuha nito ang tungkulin sa produksiyon ng hormone para sa nabubuong fetus; kaya, bumababa ang hormone level sa katawan ng babae. Maaaring sanhi ang pagbaba ng hormone level ang pagkakaroon ng morning sickness ng buntis, saad ng mga researcher.

Bagamat hindi lahat ng eksperto ay handang ipagdiwang ang kabutihang dulot ng morning sickness.

“As common as nausea and vomiting are in the first trimester of pregnancy, researchers and clinicians should be cautious about deeming it to have a protective effect against pregnancy loss,” ani Dr. Siripanth Nippita, OB/GYN sa Beth Israel Deaconess Medical Center sa Boston, at Laura Dodge, staff scientist sa parehong institusyon, na isinulat nila sa editoryal na inilabas din kasama ang pag-aaral sa JAMA Internal Medicine.

Bilang karagdagan, bagamat magandang sabihin sa kababaihan na may makabuluhang benepisyo ang morning sickness, “(they should not be discouraged from seeking treatment for a condition that can have a considerable negative effect on their quality of life,” saad pa nina Nippita at Dodge. Sa madaling salita, hindi porket’t may magandang epekto ang morning sickness ay nangangahulugang kailangan itong maranasan ng mga nagdadalantao. (LiveScience.com)