Nakatakdang magpulong ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) Management Committee (Mancom) para balasahin ang programa at sistema sa pagpili ng Most Valuable Player (MVP) sa liga.

Mabilis ang reaksiyon ng Mancom sa kaliwat’ kanang pagbatikos hingil sa kinahinatnan ng pagbibigay parangal sa natatanging player matapos magwagi si Nigerian Allwell Oraeme ng Mapua – ikalawang foreign athlete sa magkasunod na season – na nagwagi ng pinakamataas na parangal sa liga.

Ayon kay NCAA Mancom chairman Jose Mari Lacson ng host San Beda, plano ng nilang baguhin ang sistema para sa pagpili ng mga gagawaran ng individual awards matapos na apat na sentro na pawang foreign players ang nahirang para sa Mythical Team ngayong taon na kinabibilangan ni Season MVP Allwell Oraeme ng Mapua, Bright Akhuetie ng University of Perpetual Help Donald Tankoua ng San Beda, at Hamadou Laminou ng Emilio Aguinaldo College.

Tanging si Arellano University guard Jiovani Jalalon ang homegrown player na napabuilang sa Mythical Five.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Next season, we are going to change the system for the selection of members in the Mythical Five. It should be the best in every position,” pahayag ni Lacson.

Aniya, plano nilang magkaroon ng hiwalay na award para sa mga dayuhang student athletes.

“Probably by next year, we will have a separate kung sino ang best import,” ani Lacson.

Nakita nila ang pangangailangan sa pagbabago dahil karaniwang may bentahe ang dayuhang athlete sa pangangatawan ang karanasan sa laro.

“That is really why we wanted to change it. If you noticed, we have one Filipino lang sa mga awardees and that’s it.

Pero wala kaming magagawa yun kasi ang rule talagang purely based sa statistics. Next year, we will make sure na we have to make the selection process na the best in every position para siguradong meron (Filipino). Dahil kung hindi, may advantage talaga ‘yung mga import,” aniya.

Gayunman, iginiit ni Lacson na mananatiling statistics ang basehan sa pagpili ng mga awardees. (Marivic Awitan)