Apat na Cabinet officials ni Pangulong Rodrigo Dutere ang nakumpirma ng Commission on Appointment (CA) kahapon.

Ang mga ito ay sina Department of Energy Secretary Alfonso Cusi, Department of Finance Secretary Carlos Dominguez, Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III, at Presidential Communication Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

Sina Cusi, Bello at Dominguez ay beteranong mga opisyal ng pamahalaan sa iba’t ibang administrasyon,habang si Andanar naman ay isang kilalang mamamahayag.

Nagkaroon ng deliberasyon sa estado ni Andanar dahil hindi naman nakasaad ang PCOO sa mga tanggapan na dapat kumpirmahin ng CA.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ipinunto ni Senator Franklin Drilon na kailanman ay hindi dumaan sa CA ang PCOO at ngayon lamang ito nangyari, pero bandang huli ay napayagan naman ito. (Leonel M. Abasola)