Sinampahan kahapon ng Philippine National Police (PNP) ng kasong illegal possession of explosives at ammunitions ang dalawang barangay chairman na inaresto ng mga operatiba ng Regional Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (RAIDSOTG)-12 sa Polomolok, South Cotabato, nitong Lunes ng hapon.

Unang naaresto si Juner Magbanua, chairman ng Barangay Koronadal Proper, makaraang halughugin ng mga awtoridad ang bahay nito at makumpiskahan umano ng isang fragmentation grenade at tatlong bala ng kalibre 5.56.

Iginiit ni Erma Dequito, kagawad ng Bgy. Koronadal, na planted ang mga ebidensiyang nakuha sa bahay ni Magbanua, na mariin namang pinabulaanan ni RAIDSOTG-12 Director, Chief Supt. Maximo Sebastian, Jr. na nagsabing lehitimo ang kanilang operasyon.

Nadakip din si Vicente Yungco, Jr., chairman ng Bgy. Poblacion, matapos masamsaman ng isang .9mm caliber, isang 12-gauge shotgun, airgun at iba’t ibang bala sa pagsalakay sa bahay nito.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Sina Magbanua at Yungco ay kabilang sa listahan ng tinaguriang “narco-politicians” bilang mga protektor umano ng bentahan ng droga sa kani-kanilang barangay. (Fer Taboy)