Nagpapagaling sa ospital ng mga tinamo niyang bukol at pasa sa mukha ang isang 19-anyos na lalaki na binansagang “Boy Dakma” makaraang mahuli at gulpihin ng taumbayan matapos na muling manghipo ng dibdib ng isang dalaga sa Toril, Davao City, nitong Linggo ng gabi.

Ayon sa report ng Toril Police, nagwakas na ang masasayang araw ni John Rey, may asawa, ng Toril, Davao City, na nagsusuot ng maskara bago mambiktima ng dalaga tuwing sasapit ang hatinggabi.

Ipinagharap si Rey ng maraming bilang ng acts of lasciviousness ng mga biktima, na batay sa record ng pulisya ay umabot na sa 16 at pawang dalaga. (Fer Taboy)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder