FOLLY ISLAND, S.C. (AP) – Rumesponde ang bomb squad sa isang beach sa South Carolina matapos mahukay ng Hurricane Matthew ang cannonballs noong Civil War na nakabaon sa buhangin.

Sinabi ni Charleston County Sheriff’s spokesman Maj. Eric Watson na natagpuan ang mga cannonball sa Folly Beach nitong Linggo ng hapon, ngunit hindi kaagad nakuha ng mga miyembro ng bomb squad dahil sa pagtaas ng alon.

Unang ginamit ang kanyon sa Civil War sa karatig na Fort Sumter noong 1861.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline