LINGAYEN, Pangasinan – Dalawang tao ang nasawi sa magkahiwalay na pamamaril sa Pangasinan nitong weekend, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Earl Ramos, 46, ng Barangay Bonuan Gueset, Dagupan City; at Joey Alipio, 27, pedicab driver, umanoy tulak, at taga-Rosales.

Pauwi na si Ramos at naglalakad sa Purok Pagkakaisa sa Bgy. Bonuan Gueset nang malapitang barilin sa ulo ng isa sa limang armado na lumapit sa kanya mula sa pagkakasakay sa motorsiklo.

Nagmamaneho naman ng kanyang pedicab si Alipio sa Bgy. Station District sa Rosales nang sundan siya at barilin sa ulo ng hindi nakilalang suspek. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder