SAN FABIAN, Pangasinan - Isang retiradong pulis na drug surrenderer sa San Fabian Police ang pinagbabaril sa national highway sa Barangay Poblacion sa bayang ito.

Kinilala ang biktima na si Roberto Catronuevo, 63, biyudo, retiradong pulis, at residente ng Bgy. Nibaliw East.

Ayon sa pinakahuling report kahapon, ginagamot pa sa ospital ang biktima sa tinamo nitong mga bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan, at hinala ng pulisya ay may kinalaman sa droga ang pamamaril.

Ganap na 1:55 ng hapon nitong Huwebes at nagbibisikleta ang biktima nang sundan ito at pagbabarilin ng suspek na sakay sa itim na Yamaha Mio motorcycle. (Liezle Basa Iñigo)
Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder