CARMONA, Cavite – Isang barangay chairman ang binaril at napatay nitong Biyernes ng hindi pa nakikilalang salarin habang nagdya-jogging sa loob ng isang pribadong sementeryo sa Barangay Lantic sa bayang ito.

Agad na nasawi si Dante Sinio Tenedero, 55, chairman ng Barangay Maduya sa Carmona, habang naglakad lang papatakas ang suspek sa pamamaril sa Sanctuario de Carmona Cemetery, pasado 6:00 ng umaga nitong Biyernes.

Ayon kay PO2 Pedro Atienza Villamin Jr., sinabi ng testigo na ang suspek ay may taas na 5’4”, maitim, at nakasuot ng berdeng jersey at itim na sombrero. Gumamit ito ng .9mm pistol.

“Ayon na rin po sa mga taga-barangay, mabuti siyang (Tenedero) tao, wala siyang masamang tinapay o ano man usapan tungkol sa drugs,” sabi ni PO2 Villamin. (Anthony Giron)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder