Nagprisinta si Senator Leila de Lima na siya na lang ang murahin ni Pangulong Rodrigo Duterte, huwag lang ang internasyunal na personalidad tulad ni US President Barack Obama, United Nations (UN) at European Union (EU).

“Okay lang na ako ang murahin niya ng murahin, huwag lang ‘yung mga international personalities na tayo ay laging napapahiya,” ayon kay De Lima.

Nitong mga nagdaang araw, pinuna ng US at EU ang extrajudicial killings, kasunod ng anti-drug war ng Pangulo. Nagbunsod naman ito ng muling pagbanat ng Pangulo.

Sinabi ni De Lima na sa nangyayari sa bansa, posibleng mag-imbestiga na rin ang International Criminal Court.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

(Leonel M. Abasola)