Inilipat sa Tagum City mula sa orihinal na LGU sa Dumaguete City, Negros Oriental ang hosting ng Philippine National Youth Games (PNYG) - Batang Pinoy sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 3.

Ipinahayag ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez ang naging desisyon matapos ang isinagawang ocular inspection ng PSC Research and Planning Division.

“Yes, it will be held now in Tagum,” pahayag ni Ramirez.

Inilagay din ang age bracket sa 17-anyos mula sa dating 16-anyos pababa upang maabot nito ang pamantayan ng mga kabataan na lalahok base sa sinusunod na K12 program ng Department of Education (DepEd).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang Batang Pinoy ang ikalawang multi-event sports na isasagawa sa Tagum, Davao Del Norte matapos ang ginanap na Palarong Pambansa noong 2015.

Istrikto namang ipatutupad ang representasyon kada Local Government Unit (LGU), maging ito may ay kabilang sa provincial, city o municipality. Hindi makakasali ang isang atleta kung wala itong accreditation ng partikular na LGU. (Angie Oredo)