TARLAC CITY – Nasawi ang isang sabungero makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem criminals sa parking area ng Eternal Memorial Garden sa Getha Road, Barangay Binauganan, Tarlac City, kamakailan.

Nasawi si Arnold Dabu, 39, ng Bgy. Cub-Cub, Capas, habang himala namang nakaligtas sa mga tama ng bala ang hindi nakikilalang kasamahan niya.

Nabatid na nagsabong si Dabu at ang kasama nito sa New Tarlac Coliseum at pabalik na sa nakaparada nilang Honda Civic (UUB-795) nang dumating ang dalawang armado na magkaangkas sa motorsiklo at pinagbabaril si Dabu. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog