LABRADOR, Pangasinan - Patay na nang matagpuan ang empleyado ng isang kumpanya matapos itong ma-trap sa nasusunog na dalawang-palapag na paupahang bahay sa Barangay Poblacion sa bayang ito.

Sa report kahapon mula sa Pangasinan Police Provincial Office, nakilala ang biktima na si Arnold Retotar, may asawa, empleyado ng Kazama Grameen, Inc., ng San Antonio, Zambales.

Dakong 1:30 ng umaga nitong Huwebes nang masunog ang bahay, na batay sa inisyal na ulat ay posibleng dahil sa faulty wiring. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder