GUIMBA, Nueva Ecija - Tuluyan nang nadakip ng mga pulis ang isang magkapatid na sangkot sa droga sa buy-bust operation na isinagawa sa Barangay Sta. Veronica sa bayang ito, nitong Martes ng umaga.

Sa report ni Supt. Rechie Duldulao kay Nueva Ecija Police Provincial Office Director Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, nakilala ang mag-utol na sina Luisito Tiopianco y Abella, 50, may asawa; at Lorna Tiopianco y Abella, alias “Contang”, 47, dalaga, kapwa taga-Bgy. Sta. Veronica.

Isa sa mga tauhan ni Duldulao ang poseur buyer na inabutan ni Lorna ng isang transparent plastic sachet ng shabu at agad na dinampot ang suspek, na ikasampu sa drug watchlist ng pulisya.

Nahuli naman si Luisito nang halughuhin ng awtoridad ang bahay nito at nasamsam ang mga gamit nang plastic sachet ng shabu at drug paraphernalia. (Light A. Nolasco0

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder