IKA-100 araw na ng administrasyong Dutere ngayon ngunit wala pang nakikitang lunas sa bangungot ng krisis ng trapiko sa Kamaynilaan.
Bukod sa ‘greenhouse gas amissions’ mula sa mga nakatenggang sasakyan na nakaaapekto sa kalusugan ng tao at climate change, sinabi ng Japan International Cooperation Agency na mahigit P2.4 bilyong ‘potential income’ ang nawawala ng Pilipinas araw-araw. Ang naturang pagkalugi, dagdag ng NEDA, ay lolobo pa sa P6 bilyon araw-araw pagsapit ng 2030 kung mananatili ang krisis. Inihayag naman ng Waze, isang international traffic software application, ang Metro Manila ang may “worst traffic in the world” noong 2015.
Upang lunasan ang bangungot na ito, humiling ng emergency powers ang administrasyong Duterte, ngunit kailangang magkaisa ang Malacañang at Kongreso kung paano ito gagamitin. Kaugnay nito, ang Bill 3712 na inihain ni Albay Rep. Joey Salceda sa Kongreso, ay may sapat na kasagutan sa isyung ito.
Layunin ng HB 3712, (“Traffic and Congestion Crisis Act of 2016”} na ideklara ang pagkakaroon ng krisis sa trapik; magtalaga ng state policy tututugon dito batay sa “social justice constitutional provisions;” pagkalooban ang Pangulo ng emergency powers; magtalaga ng crisis manager; balangkasin ang isang Decongestion and Transportation Network Development Reform Plan para sa lahat ng uri ng sasakyan; pahintulutan ang special procurement modes; maglagay ng mga pamantayan sa pamamagitan ng EO hinggil sa Freedom of Information at Congressional Oversight Committee; maglaan ng pondong P20 bilyon mula sa kasalukuyang budget at national government savings para sa implementasyon nito.
Tatlong taon dapat ang emergency powers upang magkaroon ng sapat na panahon para malutas ang... (Johnny Dayang)