LOUISVILLE, Kentucky (Reuters) – Umusok sa loob ng isang eroplano sa U.S. noong Miyerkules ang replacement model ng fire-prone Samsung Note 7 smartphone. Nagbunsod ito ng panibagong imbestigasyon ng Consumer Product Safety Commission at Federal Aviation Administration.

Umusok ang Note 7 na pag-aari ng pasaherong si Brian Green sa loob ng Southwest Airlines Co flight patungong Baltimore mula Louisville, Kentucky, ayon sa asawa nitong si Sarah.

Pinapalitan umano ni Green ang orihinal na telepono dalawang linggo na ang nakalipas, matapos makatanggap ng text message mula sa Samsung.

Sinabi ng Samsung Electronics Co sa isang pahayag na ipinababalik na nila ang device para malaman ang sanhi ng pag-usok. “Until we are able to retrieve the device, we cannot confirm that this incident involves the new Note 7,” pahayag naman ng South Korean company.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na