BORACAY ISLAND - Isang sinasabing improvised dynamite ang nakita ng isang naglilinis sa pampang ng Balinghai Beach sa Barangay Yapak, Boracay Island sa Malay, Aklan.

Base sa blotter ng Boracay Police, nakalagay ang dinamita sa dalawang galon at may laman na 49 na blasting cap, bukod pa sa may ammonium nitrate sa gallon.

Agad namang nagresponde ang mga operatiba ng Philippine Army at pulisya para i-secure ang nasabing pampasabog, habang sinimulan na ng mga awtoridad ang imbestigasyon. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder