TARLAC CITY - Natangayan ng iba’t ibang alahas ang isang 69-anyos na ginang makaraan siyang mabiktima ng kilabot na Budol-Budol gang sa Mabini Road sa Barangay Mabini, Tarlac City, nitong Lunes ng umaga.

Sa report ni SPO1 Roberto Bautista, Jr., natangay kay Amelia Castañeda, ng Bgy. San Nicolas, Tarlac City, ang kanyang mga gintong hikaw, singsing at kuwintas na aabot sa mahigit P50,000 ang halaga, matapos siya umanong mistulang maengkanto sa pananalita ng dalawang babae at isang lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng Budol-Budol. (Leandro Alborote)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar