Winalis ng National University ang first round ng girls division sa impresibong 23-25, 25-18, 25-21, 25-23 panalo kontra De La Salle-Zobel nitong Linggo sa UAAP Season 79 high school volleyball tournament sa Adamson University Gym.

Naitala ng three-peat seeking Bullpups, pinangunahan nina Joyme Cagande, Faith Nisperos at Thea Gagate, ang 6-0 karta.

Nakabuntot sa standings ang University of Santo Tomas, naglaro na wala ang may pinsalang si Aimee Hernandez, nang gapiin ang Far Eastern University-Diliman, 25-17, 25-23, 25-15.

Bagsak sa ikatlong puwesto ang Junior Lady Spikers tangan ang 4-2 karta.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Sa boys division, pinulbos ng defending champion NU ang UP Integrated School, 25-11, 25-11, 25-7, para sa 6-1 karta.

Naungusan ng UST ang FEU-Diliman, 25-23, 20-25, 21-25, 25-20, 15-13, para sa ikalawang puwesto.

Magsisimula ang aksiyon sa second round sa Sabado. (Marivic Awitan0