DAVAO CITY – Maglalabas ng arrest warrant ang isang municipal trial court (MTC) judge sa lungsod na ito laban sa self-proclaimed hitman ng Davao Death Squad na si Edgar Matobato, matapos mabigo ang huli na humarap sa itinakdang pagdinig nitong Martes sa kinakaharap niyang illegal possession of firearms.

Sa panayam ng ABS-CBN Southern Mindanao, sinabi ni Judge Silverio Mandalupe, ng Municipal Trial Court Branch 3, na magpapalabas siya ng warrant of arrest laban kay Matobato dahil sa hindi nito pagdalo sa pagdinig, at kakanselahin din maging ang bail bond nito.

Ang kaso ni Matobato ay kaugnay ng umano’y pagdadala niya ng isang Colt .45 pistol nang walang permit noong Hunyo 19, 2014.

Ito ay matapos na itanggi ni Vice Mayor Paolo Z. Duterte ang sinabi ni Matobato na naging bodyguard ito ng presidential son.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Mr. Matobato, I do not know you,” sabi ni Duterte.

Nahaharap din si Matobato sa kasong frustrated murder na isinampa naman ng isang retiradong hukom ng Department of Agrarian Reform sa Davao del Sur nitong Setyembre 23.

Sinabi ng nagharap ng kaso, si Judge Abeto Salcedo, Jr., na pinagtangkaan ni Matobato ang kanyang buhay sa DAR provincial office noong Oktubre 24, 2014. (Yas D. Ocampo)