shawn-copy

TINALO ng social media star turned singer na si Shawn Mendes ang Canadian R&B star na si Drake nang manguna ang kanyang pangalawang debut album sa weekly U.S. Billboard 200 chart noong Lunes. Nakapasok din sa Top 10 na mga bagong entry ang country singer na si Luke Bryan at veteran rocker na si Bruce Springsteen.

Bumenta ng 121,000 albums ang Illuminate ni Mendes, 79,000 na kanta, at na-stream ng 24 na milyong beses, na umaabot sa kabuuang 145,000 units, ayon sa datos mula sa Nielsen SoundScan na kinalap nitong nakaraang linggo (natapos noong Setyembre 29).

Nanguna rin ang Canadian teen, na napalawak ang devoted na fan base sa Vine, sa Billboard 200 chart sa kanyang debut album na Handwritten noong nakaraang taon.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Dumausdos sa ikalawang puwesto ang Views ni Drake na may sales na 50,000 album units, na kabilang ang 55 milyon na streams. Dinomina ng album ang charts ngayong taon dahil sa lakas nito pagdating sa streaming.

Itinatala ng Billboard 200 album charts ang mga unit mula sa album sales, song sales (10 kanta katumbas ng isang album) at streaming activity (1,500 streams katumbas ng isang album).

Ang tanging bagong mga entry sa top 10 ng Billboard 200 chart ay ang Farm Tour… Here’s to the Farm ng country singer na si Bryan sa No. 4 at ang pinakabagong record ni Springsteen na Chapter & Verse sa No. 5.

Sa Digital Songs chat naman, na sumusukat ng bentahan sa online, nasa top spot ang summer hit ngChainsmokers na Closer, na tampok si Halsey na may 137, 000 na nabentang kopya. (Reuters)