Inihayag kahapon ang pagkakaaresto sa limang katao, kabilang ang isang aktibong pulis na sinasabing tulak, makaraang salakayin ang inuupahan nitong bahay sa Barangay Plaza Aldea sa Tanay, Rizal.

Kinilala ni Chief Insp. Bartolome Marigondon, hepe ng Tanay Municipal Police, ang mga nadakip na si PO2 Antonio Estrella, nakatalaga sa Rizal Police Provincial Office (RPPO), kakambal nitong si Antonio Estrella II, sina Jojo Polleras, PO2 Win Arriola, at isang menor de edad.

Unang naaresto ng pulisya si Polleras makaraang magpanggap na poseur buyer nito ang isang operatiba ng Tanay Police.

Pagkatapos ng test buy, sinundan ng pulisya si Polleras sa pinagkukuhanan nito ng supply hanggang pumasok sa bahay ni Estrella.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nasamsam ng pulisya sa operasyon ang 35 maliliit na sachet ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P500 bawat isa, at dalawang baril.

Inamin ni Polleras na may isang taon na siyang nagtutulak ng shabu at si Estrella ang supplier niya. (Fer Taboy)