POZORRUBIO, Pangasinan - Natagpuang patay ang isang barangay kagawad matapos siyang magbigti sa kanilang tirahan sa Fenoy Street, Barangay Poblacion District 1 sa bayang ito.

Sa tinanggap na report kahapon mula sa Pangasinan Police Provincial Office, nakilala ang nagpakamatay na si Melandro Natividad, 44, may asawa, at residente ng nabanggit na lugar.

Dakong 4:00 ng hapon nitong Linggo nang madatnan ng kanyang anak at apo si Natividad na wala nang buhay sa pagkakabigti sa hagdanan.

Naniniwala ang pamilya na ang iniindang depresyon ni Natividad ang nagbunsod sa pagpapatiwakal nito.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

(Liezle Basa Iñigo)