GUIMBA, Nueva Ecija - Isang 63-anyos na barangay chairman ang nasorpresa ng pinagsanib na mga operatiba ng Guimba Police at Provincial Public Safety Company (PPSC) matapos itong silbihan ng search warrant sa mismong bahay ng opisyal sa Purok 7 sa Barangay Saint John sa bayang ito, kahapon ng umaga.

Ayon kina Senior Insp. Shariel C. Paulino at Senior Insp. Ferdinand Somera, bitbit nila ang nasabing search warrant mula sa korte nang isilbi ito kay Antonio Pagarigan y Del Rosario, 63, may asawa, chairman ng Bgy. Saint John.

Nasamsam kay Pagarigan ang isang .45 caliber Norinco pistol na may dalawang magazine, 30 bala, at mga bala ng .5.56mm na pawang walang papeles; gayundin ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar