Duterte admin, kinondena sa UAAP

Nina Marivic Awitan at Leslie Ann Aquino

Mga laro ngayon (MOA Arena)

12 pm UE vs Adamson

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

4 pm La Salle vs Ateneo

Magtutuos muli sa pinakaaabangang laro ang “archrivals” De La Salle University at Ateneo de Manila ngayong hapon sa penultimate day ng first round ng UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

Tatangkain ng Green Archers na ganap na mawalis ang unang round sa pagtudla sa Blue Eagles para makamit ang ikapitong sunod na panalo sa pagharap sa tampok na laban ngayongganap na 4:00 ng hapon.

Mauuna rito, magtutuos sa pambungad na laro na gaya ng dati ay hiwalay ang benta ng tiket sa huling laban sa pagitan ng wala pa ring panalong University of the East at Adamson ganap na 12:00 ng tanghali.

Sa pagkakataong ito, masusubok kung gaano kalalim ang naitanim ni La Salle head coach Aldin Ayo ang kanyang sistema sa mga players na nakatakdang sumalang na wala ang kanilang mentor kontra sa mahigpit na karibal nilang Blue Eagles.

Ito ay matapos ibasura ng UAAP Board ang apela ng La Salle na alisin ang naunang ipinataw na kaparusahan kay Ayo na isang larong suspensiyon.

Matatandaang napatalsik sa laro ang bagong La Sallle coach dahil sa kawalan ng respeto sa game official sa nakarang laban kontra Red Warriors kung saan

pinasok nito sa loob ng court ang isang referee at inabutan ng salamin sa mata sanhi ng isang non-call.

Gayunman, sinabi ng pamunuan ng Green Archers na handa ang kanilang mga players at ibibigay nila ang lahat ng kanilang makakayanan sa duwelo kontra Blue Eagles.

Inaasahang mangunguna para sa target na sweep ng Green Archers at una nilang panalo kontra Eagles ngayong season sina skipper Jeron Teng, Cameroonian center Ben Mbala, Abu Tratter, Andrei Caracut at Kib Montalbo.

Sa kabilang dako, aasa naman si coach Sandy Arespacochaga sa hangad maging unang team na makatalo sa La Salle ngayong taon kina Thirdy Ravena, Mat at Mike Nieto at ang eksplosibong guard na si Anton Asistio.

Kasalukuyang nasa likuran ng Green Archers na may malinis na barahang 6-0 panalo-talo ang Blue Eagles na may kartadang 4-2 panalo-talo.

Mauuna rito, hahangarin naman ng UE na makamit ang mailap na unang panalo sa taong ito sa pagharap sa Adamson na nais naman makamtan ang ika-4 nilang panalo kontra dalawang tao.

Samantala’y inimbitahan naman ng Ateneo ang mga tagasuporta nito na magsuot ng anumang itim na kasuotan o anumang bagay sa laban nito ngayon kontra De La Salle.

Nakasaad ito sa memo mula kay Ateneo President Jose Ramon T. Villarin, SJ, na nagsasabi sa mga tagasuporta na iniimbitahan nito na magsuot ng itim para sa “express our solidarity with victims of human rights violations and all others struggling to uphold human rights in the country.”

Ang kahilingan ay bilang pagprotesta din sa posibleng paglibing sa namayapa na si dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani at sa extrajudicial killings sa bansa.

“This is particularly in light of the considerable amount of sentiments and convictions already expressed by various sectors of both the Ateneo de Manila and De La Salle university communities in opposition to the possible Marcos burial and the growing number of extra-judicial killings/summary executions in the country,” ayon sa memo ni Villarin.