Naging tradisyon na sa San Beda ang manguna sa labanan sa nakalipas na mga taon.

Kaya naman hindi na nakagugulat kung nakatabla ang Red Lions sa top spot sa pagtatapos ng NCAA Season 92 men’s basketball tournament eliminations pagkaraang talunin ang mga contender na University of Perpetual at Arellano University noong nakaraang linggo.

At isa sa dapat pasalamatan ni coach Jamike Jarin sa tagumpay ng San Beda ang matikas na power forward na si Javee Mocon.

Nagpakita ng consistency ang 21-anyos na si Mocon sa huling dalawang panalo kontra Altas at Chiefs na nagbigay din sa Red Lions ng insentibong twice-to-beat sa Final Four round.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I just don’t want to lose this game. I just played my heart out. I did everything I can to contribute to our win,” pahayag ni Mocon.

Nagtala ng average na 16.5 puntos at 14.0 rebound ang 6-foot-3 na si Mocon sa nasabing dalawang laban upang mahirang bilang ACCEL Quantum/3XVI-NCAA Press Corps Player of the Week (Setyembre 17-23).

Tumapos na may double-double -- 14 puntos at 13 rebound -- naitala ng San Beda ang 84-75 panalo kontra Perpetual noong Martes na sinundan nito ng 19-puntos at 15-rebound sa 91-81 paggapi sa Arellano nitong Biyernes.

“It’s Arellano and they’re the barometer,” aniya.

“We’re confident, but we’re not overconfident. It’s still Arellano and we know they’re going to come back stronger for the next game.”

Tinalo ni Mocon sina Joseph Eriobu ng No.3 seed Mapua, Arellano ace guard Jiovani Jalalon, Letran playmaker JP Calvo, at Clement Leutcheu ng College of St. Benilde para sa lingguhang citation. (Marivic Awitan)