jennylyn1-copy-copy

KINUMUSTA namin si Jennylyn Mercado tungkol sa love life niya. Nginitian lang niya kami nang banggitin namin si Dennis Trillo.

Kaya sabi namin, hindi na nila puwedeng itanggi ang relasyon nila dahil kalat sa social media ang litratong magkasama sila sa isang resort sa Batangas na parehong naka-diving suit.

“Ay, parati ko pong ginagawa ‘yun, clean-up at first time niyang sumama. Di ba po, ano ako… sa DENR, kasi nililinis namin ang mga dagat, nagpupulot ng mga basura sa ilalim ng tubig. Kahit sina Gerald Anderson nandoon din sila, Philippine Coast Guard, nandoon din,” kuwento ng aktres.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Kung may producer na mag-offer sa kanya na magsama sila ni Dennis sa pelikula, tatanggapin ba niya?

“Oo naman po, for sure hindi ako mahihirapan pagdating sa aktingan, hindi rin ako maiilang na kasi nakagawa na kami ng soap,” kaswal na sagot ng aktres.

E, si Luis Manzano sa Star Cinema?

“Hindi ko pa po alam, pero professional naman po ako, kaya ko naman ‘yun.”

Hirit namin, tatlo ang leading men, sina Dennis, Luis, at Patrick Garcia?

“Ay, Diyosko po!” natawang sabi ni Jennylyn.

Or movie with Luis and Patrick?

“Hindi ko na alam,” nalolokang sagot sa amin.

‘Pag Patrick lang?

“Ayoko na (sumagot),” namimilipit nang sabi ni Jen na parang sinasabing tigilan na namin siya.

Finally, inamin niyang hindi pa sila in speaking terms ni Patrick.

“Okay lang, hindi kasi...” aniya.

E, si Luis?

“Hindi naman po, kasi never naman kaming (nagkausap). After kasi ng break-up, tapos na,” pagtatapat ng aktres.

E, kaya pala walang pipiliin si Jen kina Luis at Patrick na makasama sa project.

Nabanggit din ni Jennylyn na malayo pa sa isip niya ang pagpapakasal sa edad na 29, dahil gusto pa niyang mag-ipon at paghandaan ang kinabukusan.

“Siguro po mga six years pa,” kaswal na sabi niya.

Hala, 43 years old na si Dennis nu’n, bagamat tiyak na baby face pa rin ang aktor.

Ang hirit namin, mahilig si Jen sa baby face na um-oo naman, ha-ha-ha.

Ang aral sa buhay na natutuhan ng aktres?

“Kasal muna bago baby, ayoko na, natuto na ako.”

Hirit ulit namin, ‘kung 35 years old ka pa mag-aasawa, baka mahirapan ka na.’

“Hindi naman, kaya pa ‘yan,” kaswal na sagot niya.

Dahil wala pa ring star complex hanggang ngayon, masarap pa ring interbyuhin si Jen. (REGGEE BONOAN)