Kabuuang 48 kalahok, kabilang ang mga pangunahing junior players at ilang papaangat na star, ang sasabak sa matinding showdown sa tatlong dibisyon ng gaganapin na Shell National Youth Active Chess Championships grand finals sa Oktubre 1 at 2 sa SM Megamall sa Mandaluyong.

Ang elite field, na nalampasan ang matinding limang yugto na regional elims, ay uusad patungo sa pinal na malaking labanan, na isang nine-round Swiss system tournament sa pagtataguyod ng Pilipinas Shell na may time control na 20 minuto at may five time-delayed mode (Bronstein system).

Habang ang Big City bets ang nananatiling paborito sa korona, ang mga galing sa probinsiya ay hangad naman ipamalas ang kanilang galing hindi lamang sa cash prizes at trophies kundi pati na sa bragging rights bilang kampeon sa pinakamatagal na talent search sa bansa na nakapagdebelop at nakahanap ng mga grandmasters katulad nina GMs Wesley So, Mark Paragua at Nelson Mariano II.

Inaasahang magiging maigting ang labanan hindi lamang sa kiddies, juniors at seniors divisions kundi pati na rin sa female category, na tampok ang 15 finalists na nakipagsabayan sa kanilang katapat sa lalaki sa kanilang respetdong regional elims sa circuit na sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ito ay binubuo nina NCR qualifiers Rheam De Guzman ng Marie Margareth School (kiddies), Francois Magpily (juniors) at Rowelyn Joy Acedo ng La Salle (seniors); Southern Luzon leg winners Jerlyn San Diego ng The First Uniting Christian School (kiddies), Kylen Joy Mordido ng Dasmariñas National HS (juniors) at Ruth de Guzman ng UP (seniors); Cebu leg champions Alphecca Gonzales ng Dunggoan Elem. School (kiddies), Natori Diaz ng Sagay Nat’l HS (juniors) at Laila Nadera ng Univ. of San Carlos (seniors).

Kasama din ang Davao stage champions Aliyah Lumangtad ng Magugpo Pilot Imelda ES (kiddies), Kristensen Banguiran ng Holy Trinity College-Gen. San City (juniors) at Starjen Candia ng Cor Jesu College-Digos City (seniors); at Cagayan de Oro finalists Regina Quinanola ng Malabuyoc Central School (kiddies), Mary Joy Tan of Jasaan National High School (juniors) at Janes Caingles ng Holy Cross of Davao College (seniors)

Samantala’y sina Lawrence Magura ng Nazareth School N.U. kasama si Eliseo Budoso ng UE at Khristian Arellano ng Adamson ang nangunguna sa NCR seniors finalists habang ang taga-La Salle-Greenhills’ na si Julius Gonzales, Israelito Rilloraza ng FEU at Lee Palma ng UE ang nangu nguna sa juniors at sina Mark Bacojo ng Escuela De Sto Rosario, Chester Reyes ng San Isidro Labrador ES at Johann Gaddi ng Precious Kesziah Learning ang nakatuon sa kiddies delegation sa NCR.