boy-abunda-pls-crop-copy-copy

ISANG linggong selebrasyon ang magaganap sa Tonight With Boy Abunda simula sa Lunes, Setyembre 26 para ipagdiwang ang kanilang unang anibersaryo.

Nakasalubong namin si Kuya Boy Abunda noong Huwebes ng gabi sa ELJ Building at tinanong namin kung ano ang mangyayari sa first anniversary ng TWBA pero kaagad kaming itinuro sa executive producer ng show na si Ms. Nancy Yabut, na mas may alam.

“Actually, Reggee may mga gusto kaming i-guest kaso hindi pa namin masabi kasi hindi pa napapa-oo kaya hindi pa namin puwedeng sabihin kasi baka mapahiya kami,” kuwento ng ABS-CBN exec sa amin.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“Ang sure ay mamimigay kami ng awards, si Tito Boy, sagot niya ang trophies for Best Fast Talk, Most Kilig, Most Revelation, Hottest Newsmaker.”

Sino ang dream guest ng Tonight With Boy Abunda?

“Eh, marami naman, sina Brad Pitt, Angelina Jolie, Edward Pattinson, Kirsten Stewart, marami pa, eh,” pabirong sagot ng producer ng show. At nang magseryoso na, “Actually, gusto namin sana si President (Rodrigo) Duterte, kaso kulang naman ang 15 minutes, di ba, bitin. Pero sana nga, kaso sa sobrang busy nu’n...”

Inalam namin kung sinu-sino sa mga naging guest ng Tonight with Boy Abunda may mataas na viewership ratings.

“Marami naman, siyempre kapag love teams like KathNiel (Daniel Padilla/ Kathryn Bernardo), LizQuen (Liza Soberano/Enrique Gil), JaDine (James Reid/Nadine Lustre), ElNella (Elmo Magalona/Janella Salvador), Hashtags, lahat ng may fan base, malakas kasi siyempre inaabangan nila. Recently si Rita Gabiola, si Badjao Girl (PBB), mataas ang ratings namin,” kuwento sa amin.

Sino sa mga miyembro ng Hashtags ang sikat at tumaas ang ratings ng programa?

“Sina Mccoy (de Leon) at Ronnie Alonte,” mabilis na sagot ni Nancy.

Samantala, gusto sana naming tanungin si Kuya Boy tungkol sa updates sa kaibigan niyang si Kris Aquino, pero ang sabi sa amin, “wala pa siya di ba? Hindi pa dumarating.”

Kagabi nakatakdang umuwi ng Pilipinas si Kris kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby plus staff na sina Alvin Gagui at Yaya Bincai from Hong Kong. Doon sila tumuloy pagkaraan ng isang linggo ring bakasyon nila sa Tokyo, Japan.

(REGGEE BONOAN)