Sa kabila ng pagpasabog sa Davao City at mga bantang kumakalat kamakailan, naniniwala pa rin ang mamamayan ng Taiwan na ligtas sa Pilipinas.

“The bombing in Davao, I believe, is an isolated case. Generally speaking, Philippines is a very safe place,” sabi ni Taiwan Ambassador Gary Song-Huann Lin sa isang ambush interview, noong Huwebes ng gabi, matapos ang Taiwan Tourism Workshop na ginanap sa EDSA Shangri-La Hotel.

Sa katunayan, aniya, hindi naglabas ang Taiwan ng travel advisory sa mga turista na huwag magtungo sa Pilipinas.

“So we did not prohibit any travel [in the Philippines]. But of course we want them to be vigilant like in Tawi-Tawi and also Sulu. Those Abu Sayyaf active areas,” aniya.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ibinahagi ni Lin ang pinakanagustuhan niya sa Pilipinas, bukod sa magagandang lugar nito. “Wonderful culture, very nice people, very warm and hospitable,” aniya.

May 29 participating units/travel agencies ang nakilahok sa workshop, kabilang na ang mga ahensiya mula sa Taiwan at Pilipinas.

Inimbitahan din ni Lin ang mga Pilipino na maglakbay sa Taiwan. “We will like also to welcome Filipinos in Taiwan, especially on November the fifth. We ae going to hold Asia-Pacific Cultural Day,” aniya.

(Charina Clarisse L.

Echaluce)