BURLINGTON, Wash. (AP) – Iniulat ng awtoridad na tatlong katao ang napatay at dalawang iba pa ang nasugatan matapos mamaril ang isang lalaki sa loob ng isang shopping mall sa hilaga ng Seattle.

Sinabi kahapon ni Washington State Patrol Spokesman Mark Francis na tatlong babae ang napatay, isang lalaki ang grabeng nasugatan at isa pang babae ang nasugatan makaraang magpaulan ng bala ang suspek sa loob ng Cascade Mall sa Burlington, Washington.

Tinutugis na ng awtoridad ang lalaking suspek, na hitsurang Hispanic at nakasuot ng itim na T-shirt.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo