LOS ANGELES (AP) – Sa mga tagahanga ni Metta World Peace – dating Ron Artest – may isang season pa ang pamosong forward para maglaro sa Los Angeles Lakers.

Ipinahayag ni Lakers coach Luke Walton na lumagda ng isang taong kontrata na nagkakahalaga ng US$1.4 milyon si World Peace.

Magkasama ang dalawa sa huling kampeonato ng Lakers.

"I'm excited about everything. I'm prepared to help the young guys grow. To play, everything," pahayag ni World Peace, nakapagtala ng averaged limang puntos at 2.5 rebound sa 35 laro sa huling season.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Samantala, ipinahayag ng Minnesota Timberwolves ang planong ‘buy out’ sa nalalabing kontrata ni Kevin Garnett.

Nagbalik sa Wolves ang 40-anyos future Hall of Famer nitong 2014 season matapos ang kampanya sa Boston Celtics at Brooklyn Nets. Nakatakda siyang tumanggap ng US$8 milyon ngayong season.