rufa-mae-at-trevor-copy

SA nakaraang episode ng Rated K, last Sunday, ikinuwento ni Rufa Mae Quinto kay Ms. Korina Sanchez ang tungkol sa nalalapit niyang pagpapakasal sa December sa kanyang Fil-Am boyfriend.

Ibinahagi rin ng comedienne ang kanyang ‘di inaasahang pagbubntis sa edad na 38.

Nagkakilala sina Rufa at ang kanyang 29 year-old fiance na si Trevor Magallanes sa Amerika last January 2, nang mag-New Year’s vacation si Rufa Mae roon. 

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Tinour niya ako nag tinour, parang tour guide,” tumatawang kuwento ni Rufa Mae.

“Mabait siya, pinaninindigan niya ako. Kagaganu’n niya na-fall na ako sa kanya, siyempre minsan nagda-doubt-doubt ka pa pero nagdadasal na lang ako, ‘yang mga fear na ‘yan. 

“Sabi ko, kelan pa ako hindi matatakot, eh, lagi na lang akong takot sa love life. Kaya, ,di ba, hindi nagsa-succeed ‘yung iba, kaya this time tinodo ko na din,” masayang kuwento niya.

Nag-propose ba sa kanya si Trevor? 

“He’s mentioning everyday since nu’ng na-meet niya ako na you have to get married dahil ‘yung age ko daw 30 something nasa marrying age. Sinasabi niya lang ‘yun in general, so ako naman namali ako ng intindi. So sabi ko, ‘Good morning. I just woke up. I think I want to get married.’ Okay, sabi naman niya. Ganu’n lang ka-casual.” 

Pagkatapos niyang ibahagi ang kuwento nila ni Trevor, masaya rin niyang ibinalita na siya’y 17 weeks pregnant na courtesy of Trevor. 

“Kasi ninerbiyos din ako kung mabibigyan ko talaga siya ng family kasi ‘yung age ko din, ‘di ba, 38, so sabi ko mabibigyan ko pa kaya ‘to ng anak?” 

Sensitibo ang pagbubuntis niya, kuwento pa ng sexy comedienne. (ADOR SALUTA)