Ranidel De Ocampo vs Justin Brownlee & Scottie Thompson (PBA IMAGES)

Nakamit ni Jayson Castro ang ikatlong Accel-PBA Press Corps Player of the Week award matapos magtala ng mahahalagang numero upang tulungan ang Talk ‘N Text Katropa na makopo ang No. 1 seed papasok sa OPPO- PBA Governors Cup playoffs.

Tinaguriang ‘The Blur’, ang 5-foot-8 na si Castro ang unang manlalaro na nagwagi ng tatlong beses sa lingguhang citation ngayong season-ending conference.

Nanguna si Castro sa ipinosteng 104-92 panalo nila kontra Barangay Ginebra nitong Linggo sa Biñan, Laguna kung saan tumipa siya ng double-double -- 19 puntos at 10 assist bukod sa apat na rebound.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Dahil sa panalo, nagtapos ang Katropa na may 10-1 karta.

Ang three-time Best Player ay nagwagi kontra kina Sonny Thoss at Calvin Abueva ng Alaska, Rain or Shine guard Paul Lee at big man Beau Belga, San Miguel stars June Mar Fajardo at Arwind Santos at kakampi niyang si Larry Fonacier. (Marivic Awitan)